
Ngayong umaga ay inilunsad na ng Commission on Elections o Comelec ang opisyal na pamamahagi ng voter’s information sheet (VIS) na ipamimigay sa mga botante sa buong bansa.
Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang paglulunsad at pamamahagi ng VIS sa Barangay 70 sa Pasay City.
Pagkatapos nito ay nag house-to-house ang grupo ng Comelec kabilang na ang ilan sa Comelec commissioners na sila mismo ang namahagi ng VIS sa ilang residente ng Barangay 70 sa Pasay City.
Kung saan inabot nang personal ng mga taga-Comelec ang VIS sa mga rehistradong botante base sa pangalan at address na nakasulat sa VIS.
Sinabi ni Comelec Chairman Garcia na ang pamamahaging ito ng personal ay paraan ng Comelec upang i-survey kung ang mga rehistradong botante ay nakatira mismo sa address na nakasulat sa kanilang voter’s registration.