Comelec, PACC, umapela sa mga tauhan ng pamahalaan na ‘wag makisawsaw sa pulitika

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Commission on Election (Comelec) sa mga kawani at opisyal ng pamahalaan na makikisawsaw sa pulitika ngayong campaign period para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa ilalim ng omnibus election code, maaari namang magpahayag ng suporta sa kandidato ang isang ospiyal.

Pero ipinagbabawalan ang lantarang pag-endorso nito para maka-impluwensya.


Sabi pa ni Jimenez, hindi rin pinapayagan ang paggamit ng public funds, equipments, facilities at iba pang resources ng opisina ng gobyerno para sa pangangampanya.

Giit ni PACC Chairman Dante Jimenez, mahaharap sa kaso ang mga ospiyal ng gobyerno na sumi-simpleng makalusot sa mga partisan political activities.

Maaari rin aniyang masuspendi o masibak sa trabaho ang mga lalabag rito.

Exempted naman sa kautusang ito ang mga political appointees, cabinet members at elected public officials.

Facebook Comments