Comelec, pag-aaralan ang posibleng epekto sa voter turnout ng BSKE sa susunod na taon na natapat sa Undas

Nakahanda ang Commission on Elections (Comelec) na idaos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahit na pumatak ng All Souls Day ang unang Lunes ng November 2026.

Sabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi sila kinonsulta tungkol sa itinakdang petsa, pero handa sila na isagawa ang eleksyon kahit posible rin na mataon ito na masama ang panahon.

Dahil natapat sa Undas, pag-aaralan din ng poll body kung maaapektuhan nito ang voter turnout para sa BSKE.

Inaasahan kasing marami ang mag-uuwian sa mga probinsiya sa panahong ito para doon gunitain ang Undas.

Kahapon nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa halalan sa susunod na taon sa halip at nagpapalawig ng termino ng barangay at SK officials.

Facebook Comments