Manila, Philippines – Pag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling ng “Otso Diretso” ng opposition coalition na mamagitan ang poll body sa isang debate sa pagitan nila at ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – matagal na nilang batid ang pangangailangan sa isang debate.
Sa hiwalay na panayam, sinabi naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon – tatalakayin nila ito sa kanilang en banc meeting.
Base sa ipinadalang sulat ng Otso Diretso sa poll body, binanggit dito ang pahayag ni HNP Founding Chairperson, Davao City Mayor Sara Duterte na kailangan ng third party organizer para sa debate.
Kaya dito ikinunsidera ng opposition bets ang independence at impartiality ng Comelec.
Facebook Comments