COMELEC: Pag-iimprinta ng mga balota sa National Printing Office para sa BSKE, nagkaaberya matapos mawalan ng kuryente

Nagkaroon ng aberya ang ginagawang printing ng mga balota sa National Printing Office (NPO) para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa National Printing Office ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Ito’y matapos mawalang ng power supply o kuryente habang isinasagawa ang printing.

Dahil dito, pansamantalang itinigil ang printing dahil sa power problem sa mga CCTV sa printing section.


Ngayong araw, sinimulan ng NPO na ang pag-iimprenta ng mga natitirang balota para nalalapit na BSKE sa Oktubre.

Nauna nang sinabi ni COMELEC Spokesperson Dir. Rex Laudiangco, na nasa higit 1.7 milyong balota ang ire-reprint ng NPO kung saan 1.3 milyon ang mga balota para sa barangay elections habang higit sa 460,000 naman sa SK ballots.

Sa ngayon, inaantabayanan pa ng COMELEC ang pagbabalik ng power supply para maituloy printing ng mga balota.

Facebook Comments