Comelec, pagmumultahin ang mga kandidatong may incomplete SOCE

Pagmumultahin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidatong nagsumite ng incomplete Statements of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon sa Comelec, maituturing “as not filed” ang mga magpapasa ng hindi kumpletong dokumento at papatawan din ng administrative penalty na ₱1,000 ang kandidato, political party at contributors.

Ikukunsiderang “incomplete” ang SOCE kung ang mga kinakailangang dokumento para rito ay hindi napirmahan o hindi notarized, kulang ang detalye at entry sa lahat ng dokumetro at may nawawalang dokumento o resibo.


Maaaring silipin ng mga kandidato at political parties ang SOCE at attachment forms nito sa official website ng poll body: www.comelec.gov.ph

Facebook Comments