COMELEC PANGASINAN, ALL SET NA SA MAGAGANAP NA FILING NG CERTIFICATE OF CANDIDACY SA MAGAGANAP NA BSKE SA OKTUBRE

All set na ang Comelec Pangasinan sa magaganap na Filing ng Certificate of Candidacy ng mga nagpaplano na kumandidato sa magaganap na Barangay at SK Elections sa buwan ng Oktubre.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, nakaantabay na ang lahat ng mga Election Offices sa buong Pangasinan.
Aniya, sa mga malalaking mga bayan gaya ng Mangatarem, Malasiqui at Bayambang kasama na ang San Carlos City, hinihikayat ang mga Election Officers na gumawa ng hakbang na mag iskedyul ng filing ng bawat Barangay upang hindi magkumpulan ang mga tao.

Samantala, nagbabala naman ito kaugnay sa Premature Campaigning dahil mahaharap sa asunto ang mga lalabag dito. |ifmnews
Facebook Comments