COMELEC PANGASINAN, HANDA NA SA MAGAGANAP NA HALALANG PAMBARANGAY

Kung ang Comelec Pangasinan ang tatanungin, handang handa na sila sa magaganap na halalang pam-Barangay.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, all set na lahat ng mga kakailanganin para sa inaabangang Brgy. at SK Elections sa buwan ng Oktubre.
Bagamat hindi nito masabi kung meron bang mga double registrants na mga botante sa Pangasinan, sinabi naman nito na ang ganitong klase sa Pangasinan ay in good faith naman.

Sa ngayon ay nanawagan ang opisyal na huwag basta basta maniniwala sa mga naglalabasang mga post sa Social Media kaugnay sa Election at bukas aniya ang mga opisina ng Comelec Pangasinan sa mga tanong kaugnay sa nalalapit na Election. |ifmnews
Facebook Comments