Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang publiko na isumbong ang mga indibidwal na masasangkot sa vote buying sa pagsisimula ng local campaign bukas.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Pangasinan Election Officer Atty. Ericson Oganiza, inilahad nito na kung sakaling makasaksi ng mga namimili ng boto ay isumbong ito sa awtoridad.
Aniya, bagamat pinahihintulutan ang warrantless arrest sa ganitong insidente ay posibleng arestuhin ng mga mamamayan ay maigi na lamang umanong isangguni ito sa kinauukulan.
Ayon sa ahensya, ang sinumang kandidato na mapatunayan na sangkot sa pagbili ng boto ay posible umano itong maging grounds para sa kanilang disqualification. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments