Hinimok ng Commission on Election Pangasinan ang mga kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 na hangga’t maaari ay magsumite na ng kani-kanilang mga SOCE o ang Statement of Contributions and Expenditures.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor kanyang binigyang diin ang pagsusumite ng mga kumandidato noong BSKE ng SOCE kung saan requirement ito ng COMELEC upang malaman ang ginastos ng mga kandidato sa nakaraang halalan.
Aniya pa na hanggang November 29, 2023 ang huling pagsusumite ng SOCE.
Kailangang isumite ang hard copy o printed na form ng SOCE, dapat Encoded, pirmado, may notario, at i-scan, naka PDF Format at i-save sa CD at i-submit sa opisina ng COMELEC.
Ang sinumang mabigo na makapag file ng SOCE ay maaaring patawan ng parusa o magmulta ayon pa sa COMELEC.
Maaaring makakuha ng kopya ng SOCE Form sa mga facebook pages ng COMELEC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments