COMELEC PANGASINAN, IGINIIT NA MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL SA MGA KANDIDATO NA UMEPAL SA MGA DISTRIBUSYON NG AYUDA

Mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Elections ang presensya ng mga kakandidato sa Halalan ngayong taon sa mga pamamahagi ng ayuda.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor, Atty. Ericson Oganiza, iginiit nito ang naturang polisiyang itinakda ngayong umiiral na ang election period.

Nakasaad sa COMELEC Resolution 11060 ang spending ban na tinatawag.

Aniya, may exemption naman umano ngunit kailangan itong isecure sa law department ng komisyon.

Nagbabala si Atty. Oganiza na ang paglabag sa naturang polisiya ay posibleng maging dahilan ng diskwalipikasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments