COMELEC PANGASINAN, IGINIIT NA SUMUNOD SA TAMANG SUKAT AT TAMANG LUGAR SA PAGKAKABIT NG CAMPAIGN POSTERS-

Kasabay ng pagsisimula ng local campaign period sa araw ng biyernes, nakatakdang baklasin ng Commission on Elections Pangasinan ang mga campaign posters na lumalabag sa panuntunan na inilatag ng ahensya sa pangangampanya.

Giit ng ahensya, na dapat sumunod ang mga aspirante sa Tamang sukat at tiyaking nakapaskil sa Tamang lugar.

Ayon Kay COMELEC Pangasinan Provincial Election Officer Atty. Eric Oganiza

Target ng tanggapan na alisin ang mga campaign materials na wala sa Tamang sukat at wala sa Tamang lugar sa biyernes.

Dagdag pa ni Atty Oganiza, hindi sa dami ng campaign materials ang magiging rason para ang isang kandidato ay manalo, kung kaya’t huwag na itong samantalahin at mainam na sumunod na lamang.

Bagamat maluwag ang panuntunan dahil sa Supreme Court ruling ukol sa premature campaigning, hinikayat nito ang mga kandidato na mangampanya ng personal sa mga botante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments