Tatlong araw bago ang pagsisimula ng election period nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ukol sa pagsasagawa ng checkpoints sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan.
Sa darating na linggo, January 12, Pagpatak ng alas dose ng hatinggabi, asahan na ang mas pinaigting na checkpoint ng kapulisan upang maipatupad ang mga regulasyon upang siguruhing magkakaroon ng Ligtas na halalan ngayong taon.
Ayon Kay COMELEC Officer IV Urdaneta City, Atty. Nathaniel Siaden, Ilan lamang sa mahigpit na tutukan sa checkpoint ang pagpapatupad ng gun ban.
Tanging lehitimong miyembro pulisya, militar at iba pang law enforcement agencies ang papayagang nagdala ng baril sa election period.
Kabilang pa sa ipinatupad ng tanggapan ang paglilipat o pagre-reassign sa mga government workers sa pagsususpinde ng mga elected provincial, city, municipal at barangay officials.
Dagdag ni Siaden, ipinagbabawal din ang pagbibigay ng donasyon at ayuda dahil maituturing umano itong vote buying.
Samantala, mag-uumpisa ang campaign period ng national candidates sa February 11, at March 28 para sa local candidates.
Magtatanggal hanggang sa June 11, 2025 ang election period. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨