Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections ngayong darating na buwan ng Mayo.
Tinalakay sa naganap na pulong ang mga kaalamang nakapaloob sa patuloy na kampanya ng ahensya ukol sa Kontra Bigay.
Pinag-usapan din ang umiiral na Gun Ban kung saan, mayroon ng 27 na naitalang lumabag sa kautusan at 13 dito ay mula sa lalawigan, ayon sa Police Regional Office 1.
Ibinahagi rin ang ukol sa COMELEC Resolution No. 11086 o ang Fair Election Act, maging ang COMELEC Resolution No. 11059, 11060, at 11078, mga kaalaman sa Hiring Ban, Disbursement and Construction Ban
Bahagi ang nasabing aktibidad sa pagpapanatili ng isang maayos, patas at mapayapang eleksyon tungo sa kaligtasan ng publiko.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨