Comelec, patuloy ang canvassing sa resulta ng Feb 6 Bangsamoro plebiscite

Manila, Philippines – Nabigo ang Commission on Elections (Comelec) na tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers (NPBOC) na maiprokalama ang resulta ng February 6 Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite.

Paliwanag ni Comelec Chairperson Sheriff Abas – umabot lamang sa 20-porsyento ang na-audit ng NPBOC Tabulation And Audit Group sa Certificate of Canvass o COC.

Aniya, patuloy pa rin ang pagbibilang ng boto sa mga COC.


Magbabalik ang proceedings ng NPBOC ngayong araw, February 12, mamayang alas-4:00 ng hapon.

Nauna nang na-canvass ng NPBOC ang nasa kabuoang walong COC partikular ang provincial COC ng Lanao del Norte at tig-isang municipal COC ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigkawayan, Pikit at Tulunan sa North Cotabato.

Facebook Comments