Comelec, patuloy ang paghahanda para sa BARMM Elections kahit ilan pang hinaharap na isyu

Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga residente ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na magtiwalang matutuloy ang halalan ngayong taon.

Sa grand launch ng Botong Bangsamoro Voter Education Campaign, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na handang-handa na ang poll body na idaos ito sa darating na Oktubre.

Sa susunod na buwan aniya ay magsisimula na ang Comelec na i-train ang mga magsisilbing electoral board members para sa BARMM Parliamentary Elections.

Handa na rin ngayon ang provincial election supervisors at election officers at mga makina at papel na gagamitin sa halalan.

Aminado naman si Garcia na may ilang isyu pa rin gaya ng walong seats para sa sectoral representation.

Batay sa calendar of activities ng Comelec, iiral ang campaign period mula August 28 hanggang October 11 habang una nang nag-umpisa ang election period nitong August 14.

Facebook Comments