Comelec, pinababaklas sa mga kandidato ang kanilang mga campaign materials

Manila, Philippines – Binigyan ng hanggang ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kumakandidato sa pagkasenador at party-list na baklasin ang kanilang posters at iba pang campaign material.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, alisin na ng mga kandidato ang lahat ng posters, tarpaulins o billboards na may mukha at pangalan nila dahil ilegal na daw ito pagsapit ng Pebrero 12 dahil pasok na sa campaign period.

Sabi pa ni Jimenez, maituturing paglabag kahit sabihin ng kandidato na wala siyang kinalaman sa paglalagay ng campaign materials.


Ang campaign period para sa pagka-senador at partylist groups ay magsisimula bukas, Pebrero a-dose hanggang Mayo a-onse, 2019 maliban na lamang sa March 28 na Holy Thursday at March 29 na Good Friday.

Habang ang kampaniya sa mga tatakbong kongresista at elective regional, provincial, city at municipal officials ay mula March 30, 2019 hanggang May 11, 2019.

Facebook Comments