Nilinaw ng Commission on Election (COMELEC) na hindi na umaabot sa halos ₱2 billion ang mga unliquidated cash advances ng komisyon noong nakaraang taon.
Ito ang pahayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa sinabi ng Commission on Audit (COA) na nabigo ang COMELEC na ayusin ang kanilang mga cash advances na may kinalaman sa 2022 election.
Ayon kay Garcia, nasa 717 million pesos na lamang ang hindi pa na-liquidate ng kanilang mga empleyado ngunit patuloy naman daw nila itong ginagawan ng paraan.
Nakikipag-ugnayan na rin daw aniya sila sa COA para klaruhin ang iba pang mga dokumento na may kinalaman sa mga cash advances.
Pagtitiyak pa ni Garcia, walang itatago ang kanyang liderato sa mga dokumento upang malinis ang financial status ng COMELEC.