HANGGANG ngayon kumakalat pa din sa social media ang isang video ng isang pre-shaded balot.
Makikita sa Facebook page ng MaskroTV ang video ng isang balota na kapag tinatapat ng lalaki sa hawak niya ultraviolet (UV) light, lumalabas na markado na ito. Mararamdaman ang galit ng lalaki at ayon sa kanya hindi na dapat ituloy ang halalan dahil nagkakadayaan na. Pinost ang nasabing video noong Mayo 3 at mahigit 1.5 million na ang views.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, dapat imbestigahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang isyu tungkol sa mga pre-shaded ballots. Pinaalalahan niya rin ang mga taong naglalantad nito.
“At ‘yong mga nagrereklamo naman, para hindi kayo mapagbintangang fake news lang kayo, bigyan niyo ng ebidensya ang COMELEC,” dagdag pa niya.
Samantala, sa press conference ng COMELEC noong araw na lumabas ang video, mariin nilang tinanggi ang mga paratang. Pahayag ni Executive Director Jose Tolentino Jr., sinubukan nila ito ngunit hindi naman binabasa ng Vote Counting Machine (VCM).
“The ballots have QR codes, serial number, and precinct assignment. It was obviously a staged video because it doesn’t have those features. It was a waste because they already staged a video yet they used the wrong ballot prop”, sagot ni Tolentino tungkol sa nabanggit na expose.
Sa kasalukuyan, hindi pa din matukoy kung sino ang botanteng nagrereklamo.