COMELEC, pinag-aaralan ang “no appearance” voters’ registration para sa mga passport holder

Sinisilip na ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad na magsagawa ng “no personal appearance” para sa mga voters’ registrants na mayroong pasaporte.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, pinag-aaralan pa lamang nila ang proyekto.

Sakaling magkaroon ng partnership sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang identity verification ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng biometrics data ng DFA.


Sa paraan aniyang ito, mas makahihikayat ng mga Pilipinong saanmang bahagi ng mundo o sa loob ng Pilipinas na mayroong pasaporte na magparehistro.

Hindi lamang napapanahon ang hakbang na ito pero mahalaga ngayong mayroong COVID-19 pandemic.

Nabatid na sinimulan ng poll body ang voters’ registration nitong September 1 maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o Modified ECQ.

Ang applications para sa registration ay maaaring ipasa sa COMELEC Offices mula Martes hanggang Sabado, alas-8:00 ng umaga hanggang Alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments