Sinisilip na ng Commission on Elections (COMELEC) na simulan ang registration ng mga Overseas Voters ngayong Disyembre para sa May 2022 Elections.
Ayon kay COMELEC Office for Overseas Voting (OFOV) Director Elaiza David, ang kanilang tanggapan ay nasa proseso pa lamang ng paghahanda para sa muling pagsasagawa ng Overseas Voter Registration.
Una nang sinabi ng poll body, para makapagrehistro ay kailangan ng valid Philippine Passport.
Kung hindi naman available ang Pasaporte, kailangan may maipakitang Certification mula sa Dept. of Foreign Affairs (DFA), Filipino Citizenship, at nasa 18 taong gulang na sa araw ng eleksyon.
Nitong Midterm Elections, nasa 1.8 Million registered Overseas Voters.
Facebook Comments