Comelec, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema sa pagkansela ng registration ng isang partylist

Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Commission on Election (COMELEC) kaugnay sa pagkansela sa registration ng An Waray partylist.

Batay sa Supreme Court En Banc resolution, inatasan ang Comelec at sina Danilo T. Pornias at Jude A. Acidre na maghain ng komento sa loob ng sampung araw.

Una nang idinulog sa SC ng An Waray Partylist ang Petition for Certiorari and Prayer for Temporary Restraining Order na kumukuwestiyon sa resolusyon ng COMELEC En Banc na inisyu nitong August 14, 2023 na nagkansela sa pag-upo ng kanilang nominee noong 2013 national and local elections.


Ayon sa COMELEC, nilabag ng An Waray ang election code isang dekada na ang nakalilipas.

Nabigyan ng congressional seat ang kanilang second nominee na si Victoria Isabel Noel kahit walang certificate of proclamation mula sa COMELEC.

Sa kanilang petisyon, iginiit ng grupo ang hurisdiksyon ng COMELEC ng iutos ang kanselasyon ng kanilang grupo.

Anila, ang House of Representatives ang may sakop sa mga kasong may kaugnayan kuwalipikasyon ng kanilang miyembro.

Facebook Comments