Pinagkokomento ng Supreme Court (SC) ang Commission on Elections (Comelec) sa petisyon ng service provider ng automated election sa bansa, na Smartmatic.
Bukod sa Comelec pinasasagot din ang mga respondent na sina dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Commissioner Eliseo Rio Jr., dating Comelec Commissioner Augusto Lagman, Franklin Ysaac at Leonardo Odoño.
Iniutos ng SC sa mga respondent na isumite ang kanilang komento sa loob ng sampung araw.
Hindi rin palalawigin ang petsa ng paghahain ng komento at kailangang personal na isumite ng mga respondent ang kanilang mga paliwanag.
Matatandaang naghain ng petition sa SC ang Smartmatic laban sa desisyon ng Comelec na nagdiskuwalipika sa naturang service provider na makalahok sa lahat ng bidding process sa mga susunod na halalan sa bansa.