COMELEC, pinagtibay ang kanselasyon ng registration ng An Waray Party-list

Pinagtibay ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanselasyon ng pagpaparehistro ng An Waray Party-list.

Sa 28 pahinang resolusyon ng COMELEC 2nd Division, hindi pinaboran ng COMELEC en banc ang motion for reconsideration na inihain ng partido dahil sa kawalan ng merito.

Ayon sa COMELEC, may karapatan lamang sa isang pwesto sa Kongreso ang An Waray at malinaw na nilabag ng second nominee ng partido ang electoral laws.


Nauna nang kinansela ng Second Division ang registration ng An Waray Party-list dahil sa pagpayag sa pangalawang nominado na si Isabel Noel, na maupo bilang miyembro ng Kongreso ng walang kaukulang awtoridad.

Ito ang naging dahilan ng paghahain ng motion for reconsideration ng party-list, kung saan sinasabi nito na sa party-list system, ang kandidato ay ang mismong organisasyon, at ang ipinoproklama ay ang partido at hindi ang nominado nito.

Sa kabila nito, iginiit ng COMELEC en banc na na walang certificate of proclamation na inilabas para sa An Waray na nagbibigay-daan kay Noel na maupo bilang kinatawan.

Facebook Comments