Pinagtibay ng Commission on Elections o COMELEC ang resolusyon nito kaugnay ng mga panuntunan sa implementasyon ng gun ban para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa October 30, 2023.
Ayon sa COMELEC, ipatutupad ang gun ban mula August 28, 2023 hanggang November 29, 2023.
Sa panahon na umiiral ang gun ban, ang mga papayagan lang na makapagdala ng baril ay ang mga may gun ban exemption mula sa Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns o CBFSC.
Binigyang-diin ng COMELEC na ang sinumang lalabag dito sa panahon ng halalan ay mahaharap sa election offense na may pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi lalagpas sa anim na taon.
Ang mga mapapatunayang nagkasala ay pagbabawalan ding manungkulan sa anumang tanggapan ng gobyerno at hindi na rin makakaboto.
Kapag ang lumabag sa gun ban ay isang dayuhan, mahaharap ito sa deportation pagkatapos niyang pagsilbihan ang kaululang pagkakakulong.