Comelec, pinahintulutan ang PPCRV na ma-access ang audit logs sa transparency server

Pumayag na ang Comelec na mabigyan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng kopya ng audit log sa transparency server noong May 13.

Ito ay para malaman kung ano ang dahilan ng mahigit pitong oras na pagkakaantala sa paglabas ng resulta ng halalan noong gabi ng May 13.

Pero ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, bago nila masuri ang Comelec Central Server, kailangan muna ng Comelec na kumpletuhin ang transmission ng mga election returns.


Facebook Comments