COMELEC, pinalawig ang oras para sa pagpaparehistro sa Eleksyon 2022

Inaprubahan ng Commission on Election o COMELEC En Banc ang mas mahabang oras sa registration ng mga botante sa Eleksyon 2022.

Ito ang kinumpirma ni COMELEC Spokesman James Jimenez kung saan kasama rin sa pinayagan ng En Banc ang pagbubukas ng registration tuwing Sabado at pista-opisyal

Nilinaw naman ni Jimenez na hindi pinagbigyan ng Comelec En Banc ang hiling ng ilang senador na palawigin ang registration period na lagpas sa September 30 na deadline.


Sa unang impormasyon na inilabas ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, hanggang ala-siyete ng gabi ang pagpapatala sa kabuuan ng registration period na magtatapos sa Sept. 30 ngayong taon.

Kasabay nito, nilinaw ng tagapagsalita ng COMELEC na kung mapapalawig ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, mananatiling suspendido ang pagpaparehistro.

Facebook Comments