Comelec, pinayagan ang CHR na mag-obserba sa 2025 midterm election

Pumayag ang Commission on Elections (Comelec) na magpadala ng mga tao ang Commission on Human Rights (CHR) sa araw mismo ng botohan para sa 2025 midterm elections.

Ang ide-deploy na mga tao ng CHR ay magsisilbing “observers” sa proseso ng botohan sa bawat presinto.

Ayon kay Garcia, mismong mga opisyal ng CHR ang nagpahayag ng intensyon sa naturang plano kung saan wala naman nakikitang dahilan ang Comelec para hindi pumayag.


Aniya, hiniling din ng CHR na sumailalim at payagan ang kanilang tauhan sa absentee voting lalo na ang mga magtatrabaho sa araw ng botohan.

Paliwanag ni Garcia, kailangan naman ng CHR na magpadala ng request letter para pag-usapan ito ng mga commissioner ng Comelec.

Ang nasabing pahayag ni Garcia ay kasunod ng aktibidad ng Comelec kung saan ipinakita nila sa mga tauhan ng CHR ang proseso at paggamit ng automated counting machines para sa midterm elections.

Facebook Comments