Comelec, pinayagan nang magpaskil ng mga larawan ng botante sa darating na eleksyon

Pinayagan ang Commission on Elections (Comelec) na magpaskil ng mga pangalan at larawan ng mga botante sa labas ng polling precinct sa May 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, pumabor ang National Privacy Commission (NPC) sa kanilang hiling sa paglalabas ng mga pangalan na may larawan sa posted computerized voters’ list (PCVL).

Nabatid na unang tinanong ni Garcia sa NPC kung ang hakbang na kanilang gagawin ay lalabag sa batas kung saan nakakuha naman ng suporta ang Comelec sa naturang plano.


Giit ni Garcia na layunin ng pagpapaskil ng mga pangalan at larawan ng mga botante sa mga polling precinct ay para makatulong upang malaman agad kung saan boboto ang isang botante.

Paraan na rin daw ito para mas mapabilis ang pagboto at hindi na mahihirapan pa sa paghahanap ng mga polling precint ang bawat botante.

Facebook Comments