Hihilingin ng Commission on Elections sa kongreso na magpasa ng batas na layong gawing grounds para sa disqualification ng mga kandidato ang hindi pagsipot sa mga COMELEC debates.
Sabi ni COMELEC Commissioner George Garcia, kukumbinsihin nila ang kongreso na gawing requirement ang pagdalo ng mga kandidato maging sa local at national.
Kung hindi naman aniya pwedeng maging batayan para sa diskwalipikasyon ay maaaring maging ground ito sa isang election offense.
Ayon kay Garcia, target ng comelec na maipatupad ito sa susunod na halalan sa 2025.
Matatandaang sa dalawang ginanap na presidential debates ng COMELEC ay siyam sa sampung kandidato ang dumalo maliban lamang kay dating senador Bongbong Marcos Jr.
Facebook Comments