Comelec, posibleng magpalabas ng pinal na desisyon sa pagkontrol sa Daraga, Albay

Sisikapin ng Comelec na makapagpalabas ng desisyon bago ang January 13 kaugnay ng rekomendasyon na isailalim sa kanilang kontrol ang Daraga, Albay.

Kasunod ito ng pagkakapatay kay Congressman Rodel Batocabe at sa tatlong iba pa kasama na ang isang pulis.

Kasama sa mga batayan sa pagdedeklara ng Comelec control ay ang pagtukoy kung ang lugar ay may kasaysayan o kung nakakaranas ng matinding laban ang magkakaribal na partido na posibleng humantong sa karahasan; kung may pagdanak ng karahasan dahil sa presensya ng mga private armed groups at kung may pamamayagpag ng mga loose firearms o hindi lisensyadong baril.


Kapag isinailalim sa Comelec control ang isang lugar, may kapangyarihan ang poll body na magbalasa o mag-utos ng pagsibak sa mga miyembro ng PNP; gawing deputized agency ang Department of Interior and Local Government (DILG); magpalit o mag-alis sa pwesto ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na lumalabag sa election law.

Facebook Comments