Posibleng magpataw ng karagdagang parusa ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidatong hindi dumalo sa PiliPinas debate 2022.
Ayon kay COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan, pag-uusapan nila sa en banc session sa Miyerkules kung ano pa ang maaari nilang gawin o sanction sa mga kandidatong tumatangging lumahok sa debate.
Pero sa ngayon, ang kasalukuyang sanction muna aniya ang ipapataw sa mga kandidatong ito kabilang ang hindi nila maaaring pag-avail ng E-rally platform ng COMELEC.
Sa unang presidential debate ng poll body noong Marso 19, lahat ng presidential bets ay naroon maliban kay dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Habang hindi rin dumalo sa vice presidential debate kahapon, March 20 si Mayor Sara Duterte-Carpio.
Facebook Comments