Hindi pabor ang Commission on Elections o COMELEC sa ideya ni PNP Chief Oscar Albayalde na pagtanggap ng pera mula sa mga kantidato na namimili ng boto.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, naninindigan ang poll body na huwag tatanggap ng bayad ang mga botante mula sa mga pulitiko kapalit ng kanilang sagradong boto.
Sinabi ni Jimenez na mas makabubuting bumoto nang naayon sa kunsensya at walang kapalit na halaga
Nagbabala rin ang Comelec na ang pagtanggap o pagbebenta ng boto ay isang election offense kaya maaring makulong ang sino mang mahuhuling lumalabag dito.
Sakaling opisyal ng gobyerno ang mapatunayang sangkot sa votebuying, maari rin itong pagmultahin o ma-disqualify sa paghawak ng anomang posisyon sa pamahalaan.
Facebook Comments