COMELEC, pumirma ng MOA para palakasin pa ang pagpapakalat ng impormasyon sa nalalapit na botohan

Lumagda na sa isang kasunduan ang Commission on Election (COMELEC) at Vote Pilipinas para palakasin pa ang pagpapakalat ng impormasyon sa nalalapit na 2022 elections.

Kabilang sa mga pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) ay sina Comelec Acting Chairperson Socorro Inting, Dir. James Jimenez, Ms. Celeste Eden Rondario (Founder at CEO) ng Impact Hub Manila at Mr. Lawrence Libo-on na siyang Technology Lead ng Vote Pilipinas.

Kasama rin dumalo sa naturang aktibidad si Commissioner Aimee Ferolino.


Layunin ng nasabing kasunduan na palakasin pa ang pagpapalaganap ng impormasyon sa darating na halalan kung ang tema ngayong taon ay #BumotoKa.

Matatandaan na ang Vote Pilipinas rin ang siyang nakatuwang ng COMELEC sa pagsasagawa ng information dissemination.

Sa pahayag naman ni COMELEC Acting Chairperson Socorro Inting, hinimok nito ang mga botante na lumabas at makilahok sa darating na halalan dahil aniya, walang saysay ang pagpaparehistro kung hindi naman boboto.

Samantala, naniniwala naman si Ferolino na sa kabila ng mga pinagdaanan, marami pa rin ang naniniwala sa kredibilidad ng COMELEC lalo na sa ginagawa nilang paghahanda sa nalalapit na halalan.

Facebook Comments