COMELEC, pwedeng magpasa ng resolution upang hindi na patawan ng tax ang election pay ng mga guro – Lacson

Naniniwala si presidential candidate at Senator Panfilo Lacson na hindi na kailangang magpasa ng batas para lamang mapagbigyan ang hirit ng mga guro na ma-exempt ang kanilang election pay sa buwis.

Sa interview ng media bago ang kaniyang town house meeting sa Bogo City, Cebu, sinabi ni Lacson na hindi niya nagugustuhan ang ugaling ipasa sa Kongreso ang mga mahahalagang desisyon.

Aniya, batid naman ng Commission on Election (COMELEC) na tatlong araw na lang ang nalalabi sa 18th Congress at magko-convene na sila bilang National Board of Canvassers kung kaya’t wala ng panahong gumawa ng batas.


Aniya, maari namang maglabas ng resolution ang COMELEC para atasan ang Bureau of Internat Revenue (BIR) na huwag na munang kaltsan ng buwis ang election pay ng mga gurong magseserbisyo sa darating na eleksyon.

Ani Lacson, kung gugustuhin ng COMELEC ay makakagawa ito ng paraan nang hindi lalabag ng umiiral na batas.

Aniya, hindi naman malaking bagay ang hirit ng mga guro kung ihahambing sa malaking sakripisyong kanilang gagampanan sa 2022 National Elections.

Dapat na aniyang pagbigyan ang kaunting hiling ng mga guro na tuwing tatlong taon lang naman gagampan ng kanilang COMELEC duties.

Facebook Comments