Handa na ang pamunuan ng COMELEC Region 1 sa pagsasagawa ng Local and National Election sa darating na May 9, 2022.
Sinabi Atty. Reddy Balarbar, Assistant regional Director ng COMELEC Region 1, naipadala ang lahat ng election paraphernalias sa buong rehiyon ilang araw bago sumapit ang halalan.
Ang lahat ng 2,558 ballot boxes ay nadeliver na sa 6, 127 clustered precincts sa 2657 voting centers region wide.
Nakahanda na rin ang aabot sa 129 canvassing centers na kung may 49 sa lalawigan ng Pangasinan; 24 sa Ilocos Norte; 35 sa Ilocos Sur habang may 21 canvassing centers sa La Union. Nakumpleto na rin umano ng ang installation ng transmission devices.
Mayroon umano ang rehiyon ng kumpletong set ng poll workers na maayos na nabigyan ng maayos at sapat na mga trainings na kung saan nanguna ang COMELEC dito na isinagawa noong buwan ng Marso at Abril.
Umabot sa 3, 103 DepEd Supervisor Officials at technical support staff sa apat na lalawigan ng rehiyon.
Malaki rin ang bilang ng mga miyembro ng Electoral Boards na umabot sa 12, 254 ang miyembro nito na sumailim din sa training habang 516 na board of canvassers dito.
Nakapagsagawa rin ng aabot sa 175 road show ang COMELEC upang maipaalam sa publiko kung paano gumana ang mga Vote Counting Machines o VCMs.
Umabot naman sa 3, 546, 764 ang inaasahang boboto sa region sa Lunes na binubuo ng 3,267 na barangay. Pangasinan naman ang nakapagtala ng may pinakamaraming na may 2.9 milyong rehistradong botante. | ifmnews
Facebook Comments