Umapela si presidential aspirant Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential aspirant Senador Vicente “Tito” Sotto III sa Commission on Election (COMELEC) na ikonsidera ang kanilang resolusyon na ruling na ipinatutupad sa pangangampanya.
Ayon kay Lacson at Sotto, may ilang mga ruling ng COMELEC ngayon ang dapat na ikunsidera tulad ng pagse-selfie kung saan mahirap talagang maiwasan sa mga pag-iikot o pangangampanya.
Paliwanag ng dalawang senador na may problema sa resolusyon kung mahirap naman ito na maipatupad kung kaya’t dapat na muling pag-aralan ito ng COMELEC partikular na ang hindi maiwasan na pag-selfie ng supporters.
Ginawa nina Lacson at Sotto ang pahayag matapos na tanungin ng mamamahayag sa ambush interview sa Tagum City ukol sa pakikipag-selfie.
Giit nina Lacson at Sotto, mahirap na maipatupad ang ibang ruling ng COMELEC ngayong panahon ng eleksyon kasabay ng pandemic.
Dagdag pa ng dalawa kung ipapatupad man walang partido o kandidato na makakalusot dahil halos lahat ay lumabag sa naturang ruling ng Comelec sa isyu ng pagse-selfie.