
Magkakaroon ng COMELEC Satellite Registration ang Commission on Elections (COMELEC) upang mas mapalapit sa publiko ang mga serbisyong kaugnay ng pagpaparehistro ng mga botante.
Gaganapin ito sa Nepo Mall sa mga mula Pebrero 14, 16, at 17, 2026.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga Dagupeñong hindi pa rehistradong botante na makapagparehistro, gayundin ang mga nais magpa-transfer ng rehistro, magpa-ayos o magpa-correct ng maling detalye, magpa-reactivate ng kanilang rehistro, at ang mga nagnanais na maibalik ang kanilang pangalan sa listahan ng mga botante. Kasama rin sa serbisyong ibinibigay ang paglilipat ng rehistro mula sa post patungo sa lokal na lugar.
Bukas ang satellite registration para sa lahat ng kwalipikado ngunit hindi pa rehistradong botante. Para sa Barangay Elections, kinakailangang ang aplikante ay 18 taong gulang pataas sa araw o bago ang halalan, naninirahan sa Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon, at residente ng lugar na bobotohan nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang halalan.
Samantala, para naman sa Sangguniang Kabataan (SK) Elections, maaaring magparehistro ang mga kabataang may edad na 15 hanggang 30 taong gulang, na residente ng barangay nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang SK elections, at walang anumang legal na diskwalipikasyon.
Hinihikayat ng COMELEC ang publiko, lalo na ang mga first-time voters at kabataan, na samantalahin ang pagkakataong ito upang matiyak ang kanilang partisipasyon sa nalalapit na halalan. Ang pagrerehistro ay mahalagang hakbang upang marinig ang boses ng bawat mamamayan at makibahagi sa pagpili ng mga pinunong magsisilbi sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










