Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na magiging maayos at walang problema ang online voting ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa darating na 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesman John Rex Laudiangco, nasa 11 kompanya ang kanilang kinuha na siyang hahawak ng online voting.
Sinabi ni Laudiangco, mahihirapan ang sinumang indibidwal partikular ang mga hackers na mapasok ang kanilang sistema dahil sa mga inilatag na safeguards.
Para din masiguro na ang nagparehistro ang boboto, nasa sistema ng online voting ang pagkuha ng personal na impormasyon at biometrics ng botante.
Paliwanag pa ni Laudiangco, isasailalim din sa random manual audit ang mga boto para masiguro ang bawat bilang pero aminado siya na hindi mawawala ang panganib sa mga nais manggulo sa darating na halalan.
Una nang sinabi ni Comelec Chairman Geroge Erwin Garcia na all set na ang kauna-unahang online voting para sa mga OFWs subalit hindi naman ito mapapatupad sa lahat ng bansa dahil may ilan ang hindi pumayag na gawin ang internet voting.