Comelec, sinisigurong mananagot ang kandidato na may higit dalawang watcher sa isang clutered precinct

Sinisiguro ng Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na mahaharap sila sa kaso kung mapapatunayan na may higit dalawang watcher sa isang clustered precinct.

Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, ang spokesperson ng Comelec, base sa resolution 10986 o ang nagbuo ng Committee on kontra Bigay hanggang dalawa lang dapat ang watchers ng kandidato.

Aniya, ito lamang ang dapat na bilang na kinuha ng mga kandidato kada clustered precinct kung saan isa lamang ang maaaring magsilbi.


Dagdag pa ni Laudiangco, kapag nahuli at napatunayan ang kandidato na may dalawa o higit pa na watchers sa isang clustere precinct, sasampahan nila ito ng kaso dahil isa na itong paraan ng vote buying.

Paliwanag pa ni Laudiangco, hindi na maaari ang dating ginagawa ng mga kandidato na kumukuha ng sangkaterbang watchers dahil ikinukonsidera na ito bilang vote buying habang ang mga watchers ay hindi na rin maaaring umalalay sa pagboto ng mga botante.

Nabatid na hindi pinahihintulutan ng Comelec na umalalay at tulungan ang mga botante dahil ang trabaho lamang nila ay magbantay at magmasid.

Facebook Comments