Comelec, sisimulan ang canvassing ng resulta ng Feb. 6 plebiscite sa Lunes

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa Lunes, February 11 ang canvassing ng mga resulta ng February 6 plebiscite para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ang poll body ay tumatayong National Plebiscite Board of Canvassers (NPBOC).

Ayon kay Comelec Chairperson Sheriff Abas – muling magko-convene ang NPBOC sa susunod na linggo lalo at wala pang inaasikasong certificates of canvass.


Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez – inaasahang darating ang certificates of canvass ngayong weekend.

Nilinaw ni Jimenez na ang canvassing ay nagpapatuloy sa local level.

Ang NPBOC ay nakatakdang i-canvass ang nasa 8 certificates of canvass partikular ang nasa Lanao del Norte at mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pigkawayan, Pikit at Tulunan sa North Cotabato.

Facebook Comments