Comelec, sisimulan na ang “oplan baklas” ngayong araw

Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong araw ang malawakang “Oplan Baklas” ng Comelec.

Makakatuwang ng poll body sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng PNP, MMDA, LTFRB at DPWH.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez – anim na ruta sa Metro Manila ang tutumbukin ng pagbabaklas ng mga illegal campaign materials.


Sa ilalim ng Comelec Resolution 10488, ang mga party-list at kandidato ay maaari lang magkabit ng kanilang campaign materials sa mga otorisadong commom poster area gaya ng mga plaza, palengke, barangay center gayundin sa mga private property basta at may pahintulot ng may-ari.

Ang mga poster at tarpaulin ng mga political party at party-list group ay dapat na may sukat lang na 12 feet by 16 feet habang four feet by six feet para sa mga independent candidate.

Facebook Comments