
Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang -imprenta ng mga balota para sa nakatakdang special election sa ika-2 Distrito ng Antipolo City sa March 14, 2026.
Ayon sa COMELEC Ballot Production Committee, gagawin ang pag-iimprenta ng 252,793 na mga opisyal na balota at accountable forms sa Pebrero 20, 2026 sa National Printing Office sa Diliman, Quezon City.
Target ng Comelec na matapos sa loob lamang ng isang araw ang kabuuang pag-iimprenta upang matiyak ang mabilisang pagpapadala ng balota bago ang halalan.
Tiniyak naman ng Comelec ang isang transparent at ligtas na proseso ng pag-iimprenta upang mapanatili ang integridad ng halalan.
Inaanyayahan din ang mga observer at miyembro ng media na mag-monitor sa isasagawang pag-iimprenta alinsunod sa itinakdang iskedyul para sa halalan sa Marso 14.
Matatandaan na isasagawa ang special election upang punan ang nabakanteng puwesto sa Kamara para sa ika-2 Distrito ng Antipolo City.










