COMELEC STA. BARBARA, IPINAGPAPATULOY ANG PAGSASAGAWA NG ACM ROADSHOW AT VOTERS EDUCATION

Nagpapatuloy ang pinaigting ACM Roadshow at Voters Education bilang paghahanda para sa nalalapit na Midterm Elections sa Mayo sa bayan ng Sta. Barbara.
Noong nakaraang taon, nakapag sagawa ang Comelec ng serye ng ACM Roadshow sa iba’t ibang barangay sa lugar, kung saan 11 barangay ang kanilang nabisita.
Sa mga aktibidad na ito, naibahagi sa mga botante ang tamang paggamit ng Automated Counting Machine (ACM).

Sa pagpasok ng 2025, muling isinakatuparan ang ganitong aktibidad sa barangay Sonquil noong ika-4 ng Enero, sa tulong ng barangay council, CVO’s, at Barangay Health Workers (BHWs).
Nagpasalamat ang Local Comelec Office sa mga residente na dumalo at aktibong nakibahagi sa programa, na nagpakita ng suporta sa kanilang layunin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments