Pansamantalang isususpinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang lahat ng voter registration activities mula alas-12 ng tanghali ng Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, 2025 bilang paggunita sa Undas.

Ayon sa COMELEC, layunin ng hakbang na ito na bigyang-daan ang publiko at mga kawani ng ahensya na makapiling ang kanilang mga pamilya sa mga araw ng pag-alala sa mga yumao.

Hinimok din ng ahensya ang mga mamamayan na ihanda na ang kanilang mga dokumento upang maiwasan ang pagkaantala sa oras ng pagbabalik ng operasyon.

Muling magbabalik ang regular na voter registration sa Nobyembre 3, 2025 sa lahat ng tanggapan ng COMELEC sa buong bansa.

CAPTION: Sinuspinde ng COMELEC ang lahat ng voter registration activities mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 bilang paggunita sa Undas 2025.

Facebook Comments