COMELEC, target bumuo ng sariling cybersecurity division laban sa data breach at hacking

Target ng Commission on Elections (COMELEC) na bumuo ng sariling Cybersecurity Division para tugunan ang posibleng data breach o hacking sa server nito.

Ito ang inihayag ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, matapos i-absuwelto ng National Privacy Commission (NPC) ang COMELEC at Smartmatic sa reklamong data breach.

Ayon kay Laudiangco, ang Cybersecurity Division ay bahagi ng road map kasabay ang pagpapatibay sa technological systems ng poll body para sa mga susunod na halalan.


Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang komisyon sa NPC at kumokunsulta sa kanilang law department, Office of the Solicitor General (OSG), at Department of Justice (DOJ) para sa binubuong Cybersecurity Division.

Facebook Comments