COMELEC, target maglagay ng presinto sa Sitio Kapihan na tirahan ng mga miyembro ng Socorro Bayanihan Services Inc. para sa halalan

Target ng Commission on Elections na maglagay ng presinto at Vote Counting Machines sa Sitio Kapihan sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte para sa susunod na halalan.

Ito ay sa kabila ng kautusan ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) na bakantehin na ng grupong Socorro Bayanihan Services Inc. ang lugar matapos bawiin ang kasunduan para igawad sa grupo ang mahigit tatlong daang ektaryang protected area.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, walang pakialam ang ahensiya sa ibang mga isyu at layon lamang nila na mailapit sa mga tao ang halalan sa susunod na taon.


Ipinunto ni Garcia na paglabag sa Saligang Batas sakaling hindi payagan ang mga residente na makaboto.

Isinagawa ng COMELEC ang registration para sa mga residente kung saan sa pamamagitan nito ay hindi na bababa ang mga residente ng Sitio Kapihan para makaboto.

Binawi ng DENR ang kasunduan dahil sa mga naging paglabag ng SBSI gaya ng pagtatayo ng mga imprastraktura, checkpoint at pagbabawal sa pagpasok ng mga hindi nila miyembro.

Facebook Comments