Target ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na makapag rehistro ng hindi bababa sa 1 milyon botante sa bansa sa pagbubukas ng Voter’s Registration para sa Barangay at SK elections.
Balak itong makamit ng tanggapan sa loob ng sampung araw mula Hulyo 1 bilang pagsisimula ng rehistro hanggang Hulyo 11,2025.
Mas paiigtingin rin ang proseso ng pagpaparehistro bilang maging ganap na botante kung saan hindi umano basta-basta tatanggapin ng COMELEC ang barangay certificate bilang katibayan ng paninirahan.
Maaari umano itong gamitin ng ilang opisyal ng barangay para manipulahin ang proseso ng pagpaparehistro.
Nanghihikayat naman ang tanggapan sa mga nais magparehistro lalo na ng mga kabataan na nasa edad 15 years old pataas para makapagboto sa SK elections at 18 years old pataas sa Barangay elections.
Sa lalawigan ng Pangasinan, umabot na sa 2.1 milyon ang naitalang mga rehistradong botante. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments