COMELEC, tatanggap ng substitution at withdrawal application kahit Sabado

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na bukas hanggang Sabado ang kanilang receiving area sa Palacio del Gobernador para sa aplikasyon ng withdrawal at substitutions ng election aspirants.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. James Jimenez, hindi papayagan ang paghahain ng kandidatura sa Linggo, Nobyembre 14.

Layunin aniya nito na maiwasan ang siksikan sa huling araw ng filing ng withdrawal at substitution.


Inaasahan na kasi aniya nila ang posibilidad na pagdagsa ng mga supporter ng mga kakandidato.

Batay sa calendar event ng Comelec para sa 2022 election, mayroong hanggang Nobyembre 15 ang mga kandidato para maghain ng withdrawal at substitutions.

Facebook Comments