COMELEC, tiniyak na haharapin ang pagkuwestiyon ng OSG sa kanilang MOA sa Rappler hinggil sa pagbusisi sa post sa social media ng mga kandidato

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na kanilang haharapin ang pagdulog sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General (OSG).

Kaugnay ito ng kasunduan ng poll body at Rappler hinggil sa fact-cheking o sa pagbusisi sa nilalaman ng post ng mga kandidato sa social media.

Sa kanilang argumentong inihain sa Supreme Court, iginiit ni Solicitor General Jose Calida na labag sa Saligang Batas ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng COMELEC at Rappler.


Partikular aniyang nalabag ng MOA ang freedom of speech at expression.

Tiniyak naman ni acting COMELEC Chairperson Socorro Inting na paninindigan nila ang MOA at sasagutin nila sa Korte Suprema ang petisyon ng OSG.

Facebook Comments